KAALAMAN NG MGA MAG-AARAL SA PAG-IWAS SA HIV, PINALALAKAS SA LA UNION

Ibinahagi sa mga mag-aaral sa San Fernando City at Bacnotan, La Union ang kaalaman upang makaiwas sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) at iba pang Sexually Transmitted Infections (STI).

Nais pataasin ang kamalayan ng mga mag-aaral kasunod ng tumataas na kaso ng HIV sa mga Pilipino edad 15-25.

Matatandaan na inihain ng Sangguniang Panlalawigan ang panukalang naghahangad na matutukan ang adbokasiya kontra HIV/AIDS sa mga Kabataan at iba pang high-risk na grupo.

Sa unang kwarter ng 2025, 42 bagong kaso ng sakit ang naitala ng DOH–Ilocos Center for Health Development Regional Epidemiology and Surveillance Unit sa lalawigan dahilan upang umabot sa 425 indibidwal na may HIV ang patuloy na sumasailalim sa gamutan.

Plano pang palawigin sa ibang paaralan ang aktibidad para mas maraming Kabataan ang maabot ng adbokasiya.

Facebook Comments