Pinatibay ang kaalaman at kahandaan ng mga mag-aaral sa personal na kaligtasan sa isinagawang Basic Self-Defense Lecture na pinangunahan ng kapulisan ng ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 1, katuwang ang 102nd Maneuver Company, sa Cervantes, Ilocos Sur.
Lumahok sa aktibidad ang mga Senior High School students na kasalukuyang nagsasagawa ng Work Immersion bilang bahagi ng kanilang pagsasanay sa labas ng paaralan.
Tinalakay sa lecture ang personal safety awareness, mga pangunahing teknik sa self-defense, at ang kahalagahan ng pagiging handa sa posibleng panganib sa pang-araw-araw na sitwasyon.
Isinama rin sa pagsasanay ang praktikal na KATA 1 na aktibong isinagawa ng mga kalahok bilang bahagi ng aplikasyon ng kanilang natutunan.
Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na inisyatibo ng kapulisan at mga institusyong pang-edukasyon na itaguyod ang kamalayan sa kaligtasan at responsableng pamumuhay ng mga kabataan.







