Kaalaman ng PNP SAF sa counter terrorism, dapat ng ma-improve ayon kay OIC DILG Catalino Cuy

72

Manila, Philippines – Napapanahon ng pag-aralan ang mga tactics at strategies na itinuturo sa mga miyembro ng PNP Special Action Force.

Ito ang sinabi ni DILG Officer in Charge Catalino Cuy sa harap na rin nangyayaring urban warfare sa bansa partikular sa Marawi City.


Paliwanag ni Cuy dapat ay hindi itinitigil ang pagsasanay sa mga miyembro ng PNP SAF ang elite force ng PNP lalo na sa usaping counter terrorism.

Ito ay upang matapatan ang mga gulong inihahasik ng mga terorista sa bansa.

Sa ngayon sinabi ni Cuy na inihahanda at nirereview na nila ang gagawing deployment ng personnel sa Marawi City at Lanao del Sur.

Facebook Comments

From Advertisers