
Pinabatid sa mga residente ng Barangay Isla, San Carlos City ang mahahalagang probisyon ng Republic Act 11313 o Safe Spaces Act, mas kilala bilang Anti-Bastos Law, sa isinagawang barangay visitation at dayalogo ng San Carlos City Police Station noong Enero 20, 2026.
Sa aktibidad, tinalakay ng kapulisan ang saklaw ng batas, kabilang ang mga ipinagbabawal na gawain gaya ng catcalling, sexist remarks, sexual harassment sa lansangan, pampublikong lugar, online platforms, at maging sa lugar ng trabaho at paaralan.
Ipinaliwanag din ang mga kaukulang parusa at pananagutan ng mga lalabag sa batas.
Layunin ng dayalogo na palawakin ang kaalaman ng komunidad tungkol sa karapatan ng bawat isa sa ligtas at disenteng espasyo, gayundin ang papel ng barangay at mga residente sa pag-uulat at pag-iwas sa mga insidente ng pambabastos at panliligalig.
Binigyang-diin din ang kahalagahan ng koordinasyon sa pagitan ng pulisya at lokal na pamahalaan upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng Anti-Bastos Law at agarang pagtugon sa mga reklamo sa antas ng barangay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










