KAALAMAN SA KALIGTASAN SA KALSADA, IPINABATID SA BJMP AGOO

Ipinabatid sa mga kawani ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Agoo District Jail ang mahahalagang kaalaman sa kaligtasan sa kalsada sa isinagawang Road Safety Seminar ng Land Transportation Office (LTO) Region I kahapon, Disyembre 22, 2025.

Layunin ng aktibidad na palawakin ang kaalaman hinggil sa responsableng paggamit ng kalsada at pagsunod sa mga umiiral na batas-trapiko bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya sa road safety.

Tinalakay sa seminar ang mga pangunahing prinsipyo ng kaligtasan sa kalsada, mahahalagang patakaran sa trapiko, at ang papel ng disiplina at pananagutan ng bawat road user sa pag-iwas sa aksidente.

Sa pamamagitan ng ganitong mga aktibidad, patuloy na pinalalawak ng LTO Region I ang kampanya nito sa road safety education at pinatitibay ang ugnayan sa iba’t ibang ahensya upang maisulong ang mas ligtas at maayos na daloy ng trapiko.

Facebook Comments