
Ibinahagi ang kaalaman tungkol sa mangrove trees sa mga guro at mag-aaral mula Japan at Pilipinas sa isinagawang pagbisita at pag-aaral sa Mangrove Eco-Park sa Alaminos City.
Bumisita sa lugar ang mga kinatawan mula sa Sapporo Nihon University High School ng Japan at Philippine Science High School bilang bahagi ng kanilang benchmarking activity upang mas mapalalim ang kanilang pag-unawa sa iba’t ibang uri ng mangrove trees na matatagpuan sa lungsod.
Bilang bahagi ng aktibidad, nagsagawa rin ang mga kalahok ng mangrove tree planting kung saan dalawampung (20) punla ng mangrove ang itinanim bilang ambag sa pangangalaga ng marine ecosystem at coastal protection.
Sa pamamagitan ng mangrove tour at tree planting activity, higit na napalawak ang kaalaman ng mga guro at mag-aaral sa mahalagang papel ng mangroves sa pagpapanatili ng balanse ng kalikasan, pagprotekta sa baybayin, at pagsisilbing tirahan ng iba’t ibang uri ng wildlife. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









