Ipinabatid sa mga kabataang lider ng lungsod ang kahalagahan ng pagpapababa ng kaso ng HIV sa pamamagitan ng isang tatlong-araw na pagsasanay na pinangunahan ng City Health Office (CHO) at United Nations Development Programme (UNDP).
Lumahok ang mga Sangguniang Kabataan Chairpersons at Lingkor na Kalangweran (LNK) Batch 2025 student leaders sa aktibidad, na layong bigyan sila ng kaalaman at kasanayan upang maging bahagi ng lokal na HIV response team.
Ayon sa CHO, katuwang nila ang Local Youth Development Office, SK Federation Office, UNDP, National Youth Commission (NYC), at Philippine National AIDS Council (PNAC) upang masigurong epektibo ang paghahatid ng impormasyon at programa sa kabataan.
Inaasahang makatutulong ang pagsasanay sa pagpapalakas ng kaalaman at pagkilos ng kabataan sa komunidad upang mapababa ang panganib at bilang ng kaso ng HIV sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









