KAALAMAN SA PAGSUGPO SA DRUG ABUSE, IPINABATID SA MGA MAG-AARAL SA CALASIAO

Umabot sa 300 Grade 11 students ng Calasiao Comprehensive National High School (CCNHS) ang nabigyan ng mahalagang kaalaman ukol sa pagsugpo at pag-iwas sa illegal na droga sa isinagawang seminar.

Layunin ng aktibidad na palawakin ang kamalayan ng kabataan sa panganib ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot bilang bahagi ng nationwide anti-drug awareness campaign sa mga paaralan at komunidad.

Pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Ilocos Region ang lecture, katuwang ang iba pang law enforcement units at TMAX Riders Club Philippines, Inc.

Tinalakay dito ang Republic Act 9165, masasamang epekto ng droga, at mga estratehiya upang makaiwas dito.

Sa datos na ibinahagi sa seminar, malaki ang ibinaba ng drug addiction rate sa Region 1 mula 84% noong 2017 tungong 6.4% sa kasalukuyan, bunsod ng pinaigting na anti-drug education sa mga paaralan at pagpapatupad ng Barangay Drug Clearing Program.

Bukod dito, patuloy na pinalalawak sa rehiyon ang Balay Silangan Reformation Centers, na ngayon ay may 54 nang operational facilities para sa rehabilitasyon at pagbabagong-buhay ng mga sumuko o na-rescue mula sa drug dependence.

Facebook Comments