Binigyang-diin ng LTO Rosales District Office ang kahalagahan ng kaligtasan sa kalsada matapos magdaos ng Road Safety Seminar para sa mga personnel ng BJMP at Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa Balungao District Jail Dormitory.
Layon ng aktibidad na mabigyan ang mga kalahok ng mas malalim na kaalaman sa traffic rules, road courtesy, pedestrian safety, at responsableng pag-uugali sa kalsada upang makatulong sa pag-iwas sa mga aksidente at maprotektahan ang buhay ng lahat ng road users.
Bahagi ito ng mas pinaigting na kampanya ng LTO upang palawakin ang road safety education sa iba’t ibang sektor ng komunidad, kabilang ang mga pasilidad na nasa ilalim ng BJMP.
Ayon sa ahensya, patuloy na nagpapatupad ang LTO Region 1 ng mga programang naglalayong makalikha ng mas ligtas na kalsada, mas disiplinadong motorista, at mas maalam na publiko. 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









