Kaisa ang mga estudyante sa Santa Lucia, Ilocos Sur sa pagdiriwang ng Crime Prevention Week sa pangunguna ng National Police Commission o NAPOLCOM.
Sa naganap na symposium, ibinahagi sa mga partisipante ang iba’t-ibang nakapaloob na isyu tulad ng sexual harassment, online sexual abuse, exploitation of children, maging ang Safe Spaces Act, Cybercrime Law at New Rape Law.
Sa pamamagitan nito, hindi lamang nagbukas ng kaalaman ukol sa mga iba’t uri ng karahasan at pang-aabuso sa mga kabataan, natutunan din ng mga ito ang mga hakbang kung paano maprotektahan ang kanilang mga sarili.
Layon ng naturang programa na magtaas ng kamalayan upang makaiwas sa pagkakatala ng mga insidente at krimen.
Samantala, namahagi rin ang pamunuan ng mga essential supplies sa mga lumahok sa naturang aktibidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









