Ibinahagi sa ilang paaralan sa bayan ng San Jacinto ang isinagawang Nutrition Education Information Drive na naglalayong makapagbigay impormasyon at kaalaman sa ukol sa hanay ng nutrisyon upang mapadali ang wastong boluntaryong paggamit ng pagkain at iba pang mga pag-uugaling nauugnay sa nutrisyon na nakakatulong sa kalusugan at kagalingan.
Kasabay din ng information drive ang pagkuha ng mga bigat at laki ng mga batang estudyante sa mga paaralang binisita ng Municipal Nutrition Action Office (MNAO) kasama ang Barangay Nutrition Scholar (BNS).
Isa pang layuninng nasabing aktibidad ang pagtukoy ng mga malnourished na mga bata at mabigyan ito ng nararapat at agarang aksyon.
Samantala, hindi lang ito kaalaman sa mga bata, ito ay maging para sa mga magulang at guro upang makapagsulong ng kamalayan o awareness sa kahalagahan ng nutrisyon sa kagalingan ng isang bata. |ifmnews
Facebook Comments