KAANAK NG INABANDONANG SANGGOL SA ALCALA, PATULOY NA PINAGHAHANAP

Hindi pa rin natatagpuan ang mga magulang o kaanak ng inabandonang sanggol sa Barangay Gualsic, Alcala, Pangasinan noong Setyembre 25.

Nagpakalat na ng flyers ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSDW upang mapabilis ang pangangalap ng impormasyon sa pinagmulan ng sanggol sa pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad sa mga karatig bayan ng Bautista at Bayambang.

Sa ngayon, nananatili sa pangangalaga ng lokal na pamahalaan ang sanggol na pinangalanang “Xander Gabriel”.

Matatandaang natagpuan ito noong umaga ng Setyembre 25 na nakabalot sa kumot sa isang liblib na lugar.

Nanawagan ang ahensya na ipagbigay alam sa tanggapan ang anumang impormasyon na makapagtuturo sa kaanak ng sanggol. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments