Kaanak ng mga Maute sa Metro Manila,lehitimong Manileño – ayon sa NCRPO

Manila, Philippines – Pinawi ng National Capital Region Police Office ang pangamba ng publiko kaugnay ng presensya ng ilang kaanak sa Metro Manila ng Maute clan.

Ayon kay NCRPO Chief Oscar Albayalde, matagal nang naninirahan sa Kalakhang Maynila ang naturang mga miyembro ng Maute.

Anila, ilang dekada nang nakatira sa Metro Manila ang naturang mga kaanak ng mga Maute.


Nilinaw din ni Albayalde na hindi kasama sa mga naghahasik ng terorismo ang mga Maute na lehitimong Manileño.

Facebook Comments