Kaanak ng OFWs na naiipit sa gulo sa Lebanon, nag-rally sa DFA

Sumugod sa harap ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga kaanak ng ilang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Lebanon.

Sa harap ito ng anilay mabagal na repatriation efforts ng pamahalaan sa mga Pinoy sa Lebanon.

Kasama ng mga kaanak ng OFWs na nag-rally sa DFA ang isang militanteng grupo kung saan iginigiit nila na ilikas na sa lalong madaling panahon ang mga Pinoy na naiipit sa pambobomba ng Israel sa Lebanon.


Una na ring dumulog sa DZXL News ang isang grupo ng OFWs para magpasaklolo sa kanilang paglilikas.

Ayon sa isa sa OFWs na si Jocelyn Flores, dalawang beses na siyang nag-fill up ng form para sa voluntary repatriation pero wala pa ring aniyang nangyayari.

Ilan din sa OFWs ang nagrereklamo dahil hindi sila sinasama ng kanilang mga amo kapag lumilikas ang mga ito sa tuwing may bombang bumabagsak malapit sa kanilang tirahan.

Facebook Comments