KAANAK NG SANGGOL NA INIWAN SA HARAP NG TINDAHAN SA MALASIQUI, PATULOY NA PINAGHAHANAP

Pinaghahanap pa rin ang magulang o kaanak ng isang sanggol na lalaki na iniwan sa harap ng isang maliit na tindahan sa Brgy. Talospatang, Malasiqui, Pangasinan noong madaling araw ng June 25.

Natagpuan ng may-ari ng tindahan ang sanggol na nakasilid sa isang shoulder bag at nakabalot sa tuwalya habang nakakabit pa ang umbilical cord nito.

Agad naman naisangguni sa awtoridad ang insidente upang maprotektahan ang sanggol at mabigyan ng karampatang pangangalaga.

Sa ngayon, nasa ilalim ng pangangalaga ng National Authority for Child Care- Regional Alternative Child Care Region 1 ang sanggol at pansamantalang pinangalanang “Loui Von Barbosa”.

Anumang impormasyon o detalye sa kaanak ng sanggol ay maaaring sumangguni sa itinalagang social worker sa Malasiqui Municipal Social Welfare and Development Office o iparating sa kanilang numero 0390-191-3399. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments