Kaarawan ni dating Pangulong Marcos, ala-ala ng kamatayan at paghihirap ng mga biktima ng rehimeng Marcos

Manila, Philippines – Itinuturing na national tragedy ng ilang mambabatas ang paggunita sa ika-100 kaarawan ng dating Pangulo ng Ferdinand Marcos.

Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin, kung ang araw na ito ay pagdiriwang ng kapanganakan ni Marcos, para sa iba ay ala-ala ito ng mga nasawi at mga paghihirap na dinanas ng mga nabubuhay na biktima ng martial law.

Hindi aniya dapat ipinagdiriwang ang araw na ito dahil ito ay nagpapaalala sa patuloy na pagtago sa katotohanan at kawalang hustisya sa mga biktima ng rehimeng Marcos.


Sinabi pa ni Villarin na nagpapatuloy ang mga damages ng pamilya dahil sa patuloy na pagpabor sa mga gustong gawin ng mga Marcoses at tila pagreward pa sa karahasan.

Sa halip na parusahan dahil binabali ang kasaysayan at paniniwala ng mga Pilipino, “glorification” o papuri pa ang ibinibigay ng Pangulong Duterte sa pamilyang Marcos.

Dagdag pa dito ang pagpayag na gawing holiday sa Ilocos ang araw na ito dahil sa ika-100 kaarawan ni Marcos at ang pagdiriwang na ginagawa ngayon sa Libingan ng mga Bayani.

Facebook Comments