KAAWAY | Pangulong Duterte, napikon kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno

Manila, Philippines – Kaaway na ang turing ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito ay makaraang mapikon ang Pangulo sa aniya ay bintang sa kanya ni Sereno na may kinalaman siya sa pagpapatalsik sa kanya sa Supreme Court.

Kaugnay nito, inatasan niya si House Speaker Pantaleon Alvarez na madaliin ang impeachment case laban kay Sereno habang sasabihan din daw niya si SolGen Jose Calida na galingan sa inihain nitong quo warranto petition.


Agad namang tinanggap ni Alvarez ang hamon ng Pangulo at tiniyak na tatapusin ang impeachement process sa pagbubukas ng sesyson.

Sa interview naman ng RMN sa tagapagsalita ni Sereno na si Atty. Carlo Cruz, aniya, mas pabor pa nga kay Sereno ang pagpapabilis sa impeachment process para makaharap na siya sa senate trial.

Handa na rin daw humarap si Sereno sa pagdinig ng Korte Suprema sa quo warranto petition mamayang hapon.

Facebook Comments