KAAYUSAN NG MGA TRANSPORT TERMINAL SA LINGAYEN, MAHIGPIT NA BINABANTAYAN

Mahigpit na binabantayan ng Lingayen Municipal Police Station ang kaayusan at seguridad sa mga transport terminal sa bayan ng Lingayen kasabay ng pagdami ng mga biyahero matapos ang pagdiriwang ng Bagong Taon.

Bukod sa mga terminal, pinalakas din ang pagbabantay sa mga pangunahing lansangan sa bayan bunsod ng pagbigat ng daloy ng trapiko.

Nagdeploy ang pulisya ng mga tauhan upang tiyakin ang maayos na daloy ng sasakyan, maiwasan ang trapiko at aksidente, at magbigay ng agarang tulong sa mga motorista at commuter.

Ayon sa pulisya, bahagi ito ng patuloy na hakbang upang mapanatili ang kaayusan, mapigilan ang krimen, at maisulong ang ligtas at maayos na pagbibiyahe ng publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments