Cauayan City- Aprubado na sa unang pagbasa ang panukalang ordinansa ng Traffic Management Committee ukol sa kaayusan sa daloy ng trapiko sa ginanap na pagpupulong ng mga Sanguniang Panglungsod kahapon, March 5, 2018.
Ito ay sumasaklaw sa ipinapanukalang ordinance no. 2018-172 particular ang pagpapatupad ng One way, Two Way street, No Left, Right and U-turn sa mga lansangan ng Cauayan City.
Sa panayam ng RMN Cauayan News Team kay SP Salcedo Foronda ng Traffic and Management Committee, makatutulong umano ang mahigpit na pagpapatupad ng batas trapiko upang maging maayos ang daloy ng trapiko sa Cauayan City.
Dagdag pa niya, layon din umano ng panukalang ito na maglagay ng mga signage sa mga dapat na babaan at sakayan ng mga pasahero.
Samantala, maaari namang magsakayak at magbaba ng pasahero sa mga bahagi ng SM, Terminal, Cauayan City Transport Terminal, tapat ng Chinese Cemetery, Roman Catholic Church, CAVADECO, at para naman sa mga bibyahe ng timog at hilaga ay sa tapatang ng Caltex at Rusi.
Ang naturang ordinansa ay sasailalim pa sa ikalawa hanggang ikatlong pagbasa upang maaprubahan bago ipatupad para sa mas mabilis at maayos na daloy ng trapiko sa lungsod ng Cauayan.