Tiniyak ng pamahalaang lungsod ng San Carlos City ang kaayusan at kaligtasan sa bentahan ng paputok ngayong holiday season sa pamamagitan ng pagtatalaga ng isang opisyal na lugar para sa mga manininda.
Ayon sa abiso, ang bentahan ng paputok ay pinapayagan lamang sa itinalagang lugar sa A. Luna Street, matapos ang Cemetery Chapel, mula Disyembre 22 hanggang Disyembre 31, 2025.
Pinapaalalahanan ng pamahalaang panglungsod ang mga nagbebenta na mahigpit na sundin ang umiiral na mga alituntunin at pamantayan sa kaligtasan upang maiwasan ang aksidente at mapanatili ang kaayusan sa lugar.
Layunin ng hakbang na ito na masiguro ang ligtas at maayos na pagdiriwang ng kapaskuhan at bagong taon ng publiko.
Facebook Comments









