Kababaihan ng 20 Barangay sa Reina Mercedes, Nabigyan ng Oryentasyon!

Reina Mercedes, Isabela – Pinangunahan ng PNP Reina Mercedes ang isang oryentasyon ngayong araw March 15,2018 para sa mga kababaihan mula sa 20 barangay na kaalinsabay sa selebrasyon ng Women’s Month sa temang “We Make Change, Work for Women”.

Naatasan si SPO1 Katherine J. Tolentino na nagpaliwanag sa mga kababaihan hinggil sa kahalagahan ng RA 9262 o Anti-Violence Againts Women and their Children, at RA 9208 o To Institute Policies, To Eliminate Trafficking in Persons Especially Women and Children.

Layunin nito na maintindihan ng bawat kababaihan ang batas upang malaman ang kanilang mga karapatan at papel sa lipunan.


Ang mga dumalo sa oryentasyon ay umabot sa mahigi’t kumulang sa 50 na kababaihan kung saan mula sa Barangay Banquero, Binarsang,Cutog Grande, Cutog Pequeno, Dangan, District 1, District 2, Labinab Pequeno, Labinab Grande, Mallalatang Grande, Mallalatang Tungel, Nappaccu Pequeno, Nappaccu Grande, Santiago, Santol, Sallucong, Sinippil, Turod, Tallangan at Villador.

Pinangasiwaan naman ito ni Acting Chief of Police Senior Inspector Michael Esteban at ilan pang kapulisan ang nasabing aktibidad.

tags: Luzon, RMN News, DWKD 985 Cauayan, Reina Mercedes Valley Cops, Michael Esteban

Facebook Comments