Ilagan City – bigo man sa hangaring mapabilang sa Guinness World Record na pinakamaraming sabay sabay na umindak ng Zumba dance,nakapagtala nman ng panibagong rekord sa Pilipinas ang syudad ng Ilagan matapos nakapagtala ng mahigit pitong libong kababaihan na nakiisa sa zumba dance na pinangunahan ng lokal na pamahalan sa pagdiriwang ng Womens Month.
Ito mismo ang ibihahagi sa RMN News Cauayan ni Commisioner Dr. Celia Kiram ng Philippine Sports Commission.Ayon sa kanya ito na ang itinuturing nyang pagdiriwang ng mga kababaihan na pinakamarami ang nakiisa kayat natutuwa ang nasabing opisyal dahil sa masasabi umanong maayos at malinis na pamamahala ng mga opisyal ng Ilagankayat marami ang naniniwala sa kanilang pinuno.
Una rito ay pinanguhan mismo ni Dra Celia Kiram ang pagbubukas ng apat na araw na Women and Children Sports Olympics na ginaganap dito sa Lungsod ng Ilagan na magtatapos bukas Marso 27,kung saan ay tampok ang ibat ibang athletics events na sinasalihan ng mga kababaihan.
Dahil dito ay pinasalamatan ni Dra Kiram si Punong lungsod Evelyn Muds Diaz at ang Sangguniang Panglungsod na pinamumunuan ni Vice Mayor Vedasto Villanueva dahil sa matinding suporta na ipinakita ng mga ito sa mga kababaihan.
Hinikayat naman nito ang mga kababaihan na ilabas ang kanilang galing sa larangan ng sports upang madagdagan ang bilang ng mga babaeng nakikilala at nangunguna sa buong mundo na sa larangan ng sports.