Kababaihan sa Dinapigue, Isabela, Nagsanay sa Pagproseso ng Isda

Cauayan City, Isabela- Nagkaisa ang Department of Science and Technology (DOST) at National Irrigation Administration (NIA) upang magsagawa ng pagsasanay kaugnay sa pagproseso ng isda sa mga babaeng mangingisda sa bayan ng Dinapigue, Isabela.

Hindi bababa sa 28 kababaihan mula sa nasabing coastal town ng probinsya ang sumailalim sa fish processing na ginanap sa barangay Digumased kung saan tinuruan at binigyan ng kaalaman ang mga kalahok sa pagproseso ng canned mackerel sa corn oil at canned tulingan na may tomato sauce.

Umaasa naman si Ginoong Lucio Calimag, pinuno ng DOST Isabela, na magsisilbing pundasyon sa pag-angat ng industriya ng Dinapigue ang kanilang ipinagkaloob na training sa mga babaeng mangingisda sa lugar.


Nagpapasalamat naman si NIA Isabela Irrigators Development Officer Sonny Dapiaoen sa DOST Isabela sa pagbibigay nito ng nasabing training sa kanilang munisipyo kasunod na rin ng kahilingan ng mga babaeng mangingisda sa kanilang tanggapan.

Malaking tulong din ani Dapiaoen para sa mga mangingisda sa lugar ang kanilang mga natutunan sa isinagawang pagsasanay para maiwasan ang pagkasira ng isda at mas mapahaba ang shelf life nito.

Facebook Comments