KABABAIHAN SA INFANTA, SINANAY SA PAGGAWA NG SEAWEED PRODUCTS

Sinanay ang ilang kababaihan sa Infanta, Pangasinan sa paggawa at pagde-develop ng seaweed-based products sa isinagawang dalawang araw na pagsasanay ng Office of the Municipal Agriculturist (OMAG) katuwang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Tampok sa aktibidad ang hands-on practicum kung saan mismong mga benepisyaryo ang gumawa ng iba’t ibang seaweed products.

Tinalakay rin ang seaweed farming at mga teknik sa Good Manufacturing Practices (GMP) at Sanitation Standard Operating Procedures (SSOP).

Ayon sa lokal na pamahalaan, layon ng pagsasanay na palawakin ang kaalaman ng mga kalahok upang mapalago ang seaweed-based microenterprise sa bayan.

Facebook Comments