MANILA – Umapela ang lider ng Kabataan Party-List na makipagpulong kay Presumptive President Rodrigo Duterte para ipaliwanag ang kanilang pagkontra sa implementasyon ng K-12 Program.Ayon sa youth leader na si Sarah Elago, handa silang pumunta sa Davao para maipaliwanag kay Duterte ang kanilang panig.Aniya, posibleng may mga hindi isinaling isyu ang Department of Education (DepEd) nang talakayin nito ang pagpapatupad ng K-12 Program.Iginiit ng grupo na malaking pabigat sa mga estudyante at magulang ang dagdag na dalawang taon sa pag-aaral.Kahapon ay ipinahayag ni Duterte ang pagsuporta nito sa K-12 matapos ipaliwanag ng mga tauhan ng DepEd ang proseso ng programa.Sinabi ni Duterte, ang K-12 ay makakatulong hindi lang sa mga Filipino students kung hindi pati sa iba pang mga nationalities na nag-aaral sa bansa.Matatandaan na ipinatupad ang K12 Program o Enhanced Basic Education Act of 2013 matapos pinirmahan ito ni President Noynoy Aquino para maging ganap na batas.
Kabataan Party-List, Aapela Kay Presumptive President Rodrigo Duterte Para Pigilan Ang Implementasyon Ng K-12 Program Ng
Facebook Comments