
Iginiit ni Kabataan Party-list Rep. Atty. Renee Co ang agarang pagpapalaya sa human rights activist na si Edel Parducho at youth activitst na si Three Odena.
Ayon kay Co, sila ay inaresto kahapon habang nakikiisa sa rally para sa ika-40 aniversaryo ng EDSA People Power at posibleng sampahan ng mga kasong direct assault, disobedience, resisting arrest, at paglabag sa Batas Pambansa 880 o Public Assembly Act.
Diin ni Co, base sa mga video ay marshall lang si Edel na pinoprotektahan ang mga nanay sa panunulak ng pulis habang si Three naman ay kumukuha lang ng picture.
Bunsod nito ay hinihiling din ni Co na pananagutin ang mga tauhan at opisyal ng Pambansang Pulisya na sangkot sa mga insidente ng panggigipit sa mga rallyista na malinaw aniyang paglabag sa kanilang karapatan sa pagtitipon na nakapaloob sa konstitusyon.
Ayon kay Co, ang pag-aresto sa mga rallyista ay patunay na buhay pa ang legasiya ng diktadura ng Marcos noon hanggang sa Marcos ngayon kaya mas lalong makatwiran na buhayin ang diwa ng EDSA sa araw-araw hanggang makamit ang tunay na demokrasya.










