Nagsagawa ng iba’t ibang aktibidad ang Kabataan Partylist kasunod ng araw ng kapanganakan ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.
Sa UP Diliman nagtipon-tipon ang mga estudyante mula sa iba’t ibang eskwelahan.
Nagmartsa rin ang mga estudyante mula Quezon City Hall hanggang sa opisina ng Commission on Higher Education o CHED.
Laman ng kanilang mga panawagan libre at pambansang edukasyon, academic freedom, students’ rights at karapatan na mag-organisa.
Bahagi rin ang aktibidad ngayong araw ng ika-23 taong anibersaryo ng Kabataan Party-list.
Nais aniya nilang buhayin ang pangarap ni Rizal na ang kabataan ang pag-asa ng bayan.
Facebook Comments