Nakahanda si Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago na mamagitan para makapag usap ang mga magulang at kanilang mga anak na sinasabing na-recruit ng mga makakaliwang grupo.
Sinabi ni Elago na handa siyang sumuporta sa pamamagitan ng pagoorganisa ng isang lugar kung saan maaring makapadayalogo ang mga magulang at mga anak.
Sa ganitong paraan ay malayang maihahayag ng mga anak ang kanilang mga mensahe sa kanilang mga magulang.
Nanindigan naman si Elago na walang masama sa “legitimate organized groups” na mag recruit ng mga estudyante at iginiit na iba ito sa recruitment ng mga menor de edad na sumasali sa armed groups.
Nagbanta din ang kongresista laban sa panukalang pagpasok ng mga pulis sa college campuses para hindi sumama sa recruitment ng mga organisadong grupo ang mga kabataan.
Banta ni Elago maaring mag resulta ang hakbang na ito sa panunupil ng mga tutol na estudyante at mga guro laban sa mga makakaliwang grupo.