Friday, March 20, 2026

KABATAAN SA INFANTA, SINASANAY MAGING KAAGAPAY SA PANGANGALAGA NG KALIKASAN

Mas pinaigting ang kampanya upang hasain ang kaalaman ng mga kabataan sa Infanta upang maging tagapangalaga ng kalikasan isinagawang Information and Education Campaign sa mga paaralan.

‎Sentro ng aktibidad ang pagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral hinggil sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000, partikular sa tamang pamamahala ng basura at kahalagahan ng waste segregation bilang unang hakbang ng disiplina sa kapaligiran.

‎Sa tulong ng Municipal Environment and Natural Resources Office, nagbigay ng diskusyon ang DENR – Environmental Management Bureau Region I at tinalakay ang papel ng bawat indibidwal sa pagpapanatili ng kalinisan.

‎Bahagi ang nasabing programa ng pangmatagalang layunin ng bayan na makamit ang isang mas malinis, ligtas, at sustenableng kapaligiran sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon ng residente, lalo na ng mga kabataan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments