KABATAAN SA LINGAYEN, PANGUNGUNAHAN ANG PAGLILINIS AT RESTORASYON NG CREEK SA BRGY. TUMBAR

Mangunguna ang mga kabataan ng Lingayen sa isang creek clean-up at restoration activity sa Barangay Tumbar sa Enero 13, 2026, bilang bahagi ng pagpapatuloy ng Watershed Watchers Program na layong tugunan ang suliranin sa kalinisan at kalidad ng mga daluyan ng tubig sa bayan.

Isasagawa ang aktibidad kasunod ng pagkumpleto ng Phase 2 ng Bokashi Mudball Technology, kung saan sumailalim ang mga kabataang kalahok sa environmental sustainability seminar at praktikal na pagsasanay sa paggawa ng bokashi mudballs bilang nature-based solution sa polusyon sa tubig.

Saklaw ng aktibidad ang paglilinis ng creek at ang paghahagis ng bokashi mudballs upang makatulong sa pagbawas ng organikong basura at mapabuti ang kalagayan ng tubig.

Inaasahang makikibahagi ang mga youth volunteers at iba pang katuwang sa komunidad sa pagpapatupad ng nasabing hakbangin.

Layunin ng inisyatiba na maisalin ang kaalamang nakuha ng kabataan tungo sa konkretong aksyon para sa pangangalaga ng kalikasan, habang pinalalakas ang kamalayan ng mga residente sa responsableng pangangalaga sa mga watershed at likas-yamang tubig. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments