Manila, Philippines – Kinontra ng Palasyo ng Malacañang ang naging pahayag ng ilang United Nations Expert na nagsasabi na ang mga kabataang Pilipino ay nasa ‘High Risk’ dahil sa nagpapatuloy na war against Drugs ng Administrasyong Duterte.
Sinabi kasi ng ilang UN Experts tulad ni Special Rapporteur Agness Callamard, pati ang mga kabataan ay hindi pinatatawad at patuloy na nasasadlak sa lumalalang na karahasan sa bansa.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, ginagawa ng Administrasyong Duterte ang lahat ng mga dapat gawin upang matiyak na magiging maganda ang hinaharap ng mga kabataan ngayon.
Paliwanag ni Andanar, mas magiging high risk para sa mga kabataan kung hindi aaksyon ang administrasyon para labanan ang laganap na operasyon ng iligal na droga sa bansa.
Matatandaan na sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang kanayng prayoridad sa paglaban ng iligal na droga ay upang mailigatas ang mga kabataan at para mas maging maganda ang kinabukasan ng Pilipinas.