KABAYAN Partylist Representative Harry Roque, itinalaga ni Pangulong Duterte bilang bagong Presidential spokesman

Manila, Philippines – Itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang presidential spokesman si KABAYAN Partylist Rep. Harry Roque.

Inanunsyo ito ng Pangulo sa selebrasyon ng kaarawan ni Roque sa Davao City kagabi.

Papalitan ni Roque si outgoing presidential spokesman Ernesto Abella sa Nobyembre 6.


Ayon kay Roque, wala siyang ideya kung bakit tinanggal ng Pangulo si Abella.

Sinasabing hindi umano nakontento ang Pangulo sa paghawak ni Abella sa mga usapin na siyang dahilan ng pagbaba ng satisfaction at trust ratings ng Pangulo.

Facebook Comments