Kabayanihan ng mga magsasaka at manggagawa, kinilala ng Liderato ng Kamara ngayong Araw ng mga Bayani

Nakiisa si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa pagdiriwang ngayong ng Araw ng mga Bayani.

Ayon kay Romualdez, inaalala natin ngayon ang katapangan at pagmamahal sa bayan ng ating mga bayani na nakibaka at nagbuwis ng buhay para sa ating kasarinlan, kalayaan, demokrasya at soberenya.

Diin ni Romualdez, ngayon araw rin ay pagbibigay-pugay sa sakripisyo ng mga obrero, kasama na ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na kinikilala bilang mga bagong bayani dahil sa kanilang pagsasakripisyo upang maitaguyod ang kanilang pamilya at pagtulong sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.


Nagpapasalamat si Romualdez sa araw-araw na pagsisikap ng mga manggagawa, magsasaka at mangingisda para masuportahan ang pangangailangan ng kanilang mga mahal sa buhay at makatulong sa food security sa bansa.

Binanggit din ni Romualdez ang ating mga national leaders, mga sundalo, pulis, mga guro, mga government personnel, at mga lokal na opisyal.

Sabi ni Romualdez, malaki ang kanilang ambag sa pagpapabatili ng kaligtasan o kaayusan sa bansa gayundin ang pagbibigay ng serbisyo sa publiko.

Facebook Comments