KABI-KABILANG MGA SASAKYANG NAKAPARADA SA BAHAGI NG MALUED ROAD, PROBLEMA NG MGA RESIDENTE AT MOTORISTA; CLEARING OPERATION, IKINASA

Nagkasa na ng clearing operations ang mga opisyales sa Barangay Malued para sitahin ang mga matitigas ang ulo na nagpapark sa kanilang kalsada.
Namomoblema kasi umano ang mga residente at mga motorista sa naturang dahil sa kabi-kabilaang mga sasakyan na nag-siparadahan sa gilid ng kalsada.
Nagdudulot umano kasi ito ng minsang pagbigat ng daloy ng trapiko sa bahagi ng kalsada at ayon sa barangay, ang mga sasakyan umano ay pagmamay-ari ng mga dayo o mula sa ibang mga munisipalidad at nagpapark sa kalsada para bumili sa mga pamilihan o talipapa at hindi na umano naiisip na nakakaabala na sila sa kalsada dahil sa pagpaparking nila kung saan saan.

Ang mga may ari naman ng tricycle sa mga gilid ng kalsada, napipilitan lamang umanong magparking sa gilid ng kalsada dahil sa kakulangan ng parking space.
Ayon naman sa Public Order and Safety Office, maaari naman umanong magpatupad ng ordinansa ang naturang barangay ukol sa mga nagsusulputang mga sasakyan na pumaparada sa kanilang kakalsadahan nang sa gayon ay mabigyan ng karampatang multa o parusa. |ifmnews
Facebook Comments