Kinastigo ni House Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin ang Department of Education o DepEd dahil sa nakalipas na dalawang taon ay hindi pa rin nito nababawi ang mga kagamitan sa pag-aaral na nakaimbak lang sa mga warehouses ng Fastpac Logistics.
Punto ni Garin, nasasayang ang pondo ng mamamayan dahil ang dami na sanang mga estudyante na nakinabang sa nabanggit na mga learing equipment at materials tulad ng computer, textbook, training materials at iba pa.
Hindi naitago ni garin ang pagkadismaya makaraang maungkat sa pagbusisi ng House Appropriations Committee sa budget ng DepEd ang naging kontrata nito sa Fastpac Logistics sa ilalim ng nakaraang administrasyon para mag-distribute ng mga supplies.
Pero hindi naisakatuparan ang kontrata dahil nagkaroon ng isyu sa pagbabayad ng DepEd.