Kabiguan ng PNP na arestuhin si suspended Bamban Mayor Alice Guo, nakakahiya ayon kay Senate President Chiz Escudero

Tinawag ni Senate President Chiz Escudero na kahihiyan para sa Philippine National Police (PNP) na hanggang ngayon ay hindi pa rin natutunton at naaaresto si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Matatandaang kahapon ay sinermunan at binalaan ni Senate President pro-tempore Jinggoy Estrada ang PNP at ang National Bureau of Investigation (NBI) na tatapyasan ang mga budget sa susunod na taon kung bigo pa rin silang arestuhin si Mayor Guo.

Ayon kay Escudero, nakakahiya para sa PNP na makalipas ang dalawang linggo ay hindi pa rin magawang madakip ang alkalde lalo’t batay sa Bureau of Immigration (BI) naririto pa naman sa bansa si Guo.


Tinukoy pa ni Escudero na bukod kay Guo ay marami pang ibang akusado na mas malala ang ginawang krimen at mas malalaki ang mga kaso pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ng PNP.

Samantala, hindi naman sang-ayon si Escudero sa mungkahi na bawasan ang pondo ng PNP at NBI dahil lamang hindi pa nahuhuli si Guo at ang iba pa.

Facebook Comments