Himas rehas ngayon ang isang lalaki na itinuturing na kabilang sa most wanted person municipal level matapos na maaresto ng hanay ng pulisya sa Mangatarem.
Arestado ang akusado matapos umanong gahasain ang isang menor de edad.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nagtago ang akusadong nagtatrabaho umano bilang isang drayber at umuwi lamang sa bayan.
Napag-alaman din na kapitbahay lamang ang akusado ng biktima.
Tinawag umano ng magulang ng akusado ang biktima para magwalis sa harap ng kanilang tahanan ng mga panahon na iyon.
Hinila umano ng akusado ang biktima at dito na ginawa ang panghahalay.
Tumanggi naman na magbigay ng pahayag ang akusado at nahaharap sa kasong Statutory Rape. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









