Kabilang sa narco-list na si Sincaban, Misamis Occidental Mayor Mahilac, nakalabas na ng bansa

Nakaalis ng bansa si Sinacaban, Misamis Occidental, Mayor Crisinciano Enot Mahilac na kasama sa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Bureau of Immigration (BI), kasama ng alkalde ang kaniyang pamilya ng pigilan ito sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

Isinailalim ang alkalde sa pagtatanong ng immigration officer at tinignan ang kaniyang mga dokumento.


Nang makumpirma sa data base ng BI na wala itong Hold Departure Order (HDO), pinayagan na si Mahilac na makaalis ng bansa patungong Singapore.

Matatandaang naging kontrobersyal si Mahilac maging ang kaniyang may bahay matapos kumalat sa social media ang kanilang maluhong pamumuhay.

Facebook Comments