Kabit, inireklamo ang dating karelasyon; misis nakisali na

375
Screenshot via Raffy Tulfo in Action on Youtube

Isinumbong ni Evelyn Balagon, 40 taong gulang, kay Raffy Tulfo dahil sa paninira nito umano sa Facebook.

Ayon kay Evelyn, gumawa si Frederick ng fake accounts sa Facebook upang siraan siya dahil sa utang ni Evelyn na 12,000 kaya niya ginagawa ito.

Minemensahe rin daw ni Frederick ang mga kaibigan ni Evelyn ng kung anu-anong bagay.

Ibinahagi rin ni Evelyn na ang 12,000 ay ginastos sa kanilang date noon. Nang tinawagn ang misis ni Frederick na si Ronalyn Laca, 37 taong gulang, sinabi nitong dapat ay hindi nalang ito nakipagrelasyon sa kaniyang asawa dahil may anak na sila.

Napatawa pa si Frederick sa pahayag ni Raffy na “Nagmahal, Siniraan, Siningil.”

Nang tanungin si Frederick kung mahal pa si Evelyn, sinabi nitong mahal pa ang asawa nito dahil siya ang original.

Napag-usapan naman ni Frederick na unti-unting babayaran ang utang nito kay Evelyn at ititigil na ang paninira nito.




Facebook Comments