KABUGUKAN? | Senior Associate Justice Antonio Carpio, pinuna ang pagpayag ng gobyerno na makapag-survey ang China sa Philippine rise

Manila, Philippines- Nagpatutsada si Senior Associate Justice Antonio Carpio sa Malacañang kasunod ng pagpayag ng gobyerno na makapag-survey ang China sa Philippine Rice.

Ayon kay Carpio, ilang isla at basura na ng bansa na nasa loob ng 200 Mile Exclusive Economic Zone ang inangkin ng China ngayon gusto naman mag survey ng China sa Philippine Rice.

Aniya, kabugukan na kung papayag pa ito ang gobyerno.


Giit naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque kay Carpio, irespeto ang anumang desisyon ng Executive Branch.

Aniya, basta nasunod ang panuntunan ng United Nations Convention on the Law of the Sea walang iligal rito.

Batay sa desisyon ng Arbitral Tribunal noong 2012, ang Philippine Rice ay nasa loob ng Extended Continental Shelf ng Pilipinas.

Ibig sabihin may Sovereign Rigths ang Pilipinas para iexplore at iexploit ang oil, gas at miniral resources rito.

Pero nasa desisyon rin na maaaring dumaan ang ibang bansa rito bilang bahagi ng Freedom Navigation.

Pwede ring magkaroon ng Marine Scientific Research basta papayagan ng Pilipinas at may kasamang Scientific Expert ng bansa.

Facebook Comments