Idinadaing ng mga residente at shed owners ang nasirang bahagi ng baywalk sa Brgy.Nibaliw Magliba, San Fabian dahil apektado umano ang kanilang kabuhayan.
Sa panayam ng IFM News Dagupan sa ilang shed owners, inihayag ng mga ito na problema ang daan ng mga bisita sa kanilang shed dahil sa nasirang bahagi kaya’t hindi na umaabot ang mga ito sa kanilang pwesto.
Nagsimula umanong masira ang bahagi ng baywalk noong Bagyong Kristine kung kailan nakaranas ng storm surge ang kalakhang coastal towns ng Pangasinan.
Bagaman nagkaroon na ng ocular inspection ang barangay council at Municipal Engineering Office, umaasa ang mga residente na mapapabilis ang pagsasaayos ng baywalk.
Ayon sa mga residente, natapos na ang ginagawang access road mula Mabilao, San Fabian hanggang Brgy. Nibaliw Vidal ngunit natigil sa Nibaliw Magliba at inaasahang aabot hanggang Nibaliw Narvarte. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨