KABUHAYAN NG MGA MUSLIM SA TAYUG, PINALAKAS SA SUSTAINABLE LIVELIHOOD PROGRAM

Pinatatag ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD-Region 1 ang kabuhayan ng mga Muslim sa Tayug, Pangasinan sa pamamagitan ng Seed Capital Funds.

Nakatanggap ng tulong pinansyal ang 104 benepisyaryo mula sa komunidad kahapon, Disyembre 1.

Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng programa na suportahan ang kabuhayan ng mga mamamayan sa ika-anim na distrito ng Pangasinan.

Sa ilalim ng Seed Capital Fund (SCF), binigyan ng pagkakataon ang mga benepisyaryo na makapagsimula o mapalago ang kanilang kabuhayan.

Patuloy naman ang suporta ng DSWD sa komunidad sa pamamagitan ng iba pang programang nakatuon sa pagpapaunlad ng kabuhayan.

Facebook Comments