KABUHAYAN NG MGA PERSONS OF DETERMINATION SA ALAMINOS, PINALAKAS SA BAGONG GARMENTS FACTORY

Pinahusay ang kabuhayan para sa Persons of Determination (PODs) sa lungsod ng Alaminos sa pamamagitan ng pagpapasinaya ng Hundred Islands Garments Factory and Persons of Determination Livelihood Project sa CSAP Site, Sto. Rosario, Lucap.

Inilunsad ang proyekto bilang karagdagang oportunidad para sa mga benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program at mga PODs upang makapagbigay ng mas matatag na hanapbuhay.

Dinaluhan ang aktibidad ng mga kinatawan mula sa lokal na pamahalaan, national agencies, at iba pang partner institutions bilang suporta sa pagpapalakas ng programang pangkabuhayan sa lungsod.

Facebook Comments