KABULUKAN PINAGTATAKPAN? │Crackdown ng Duterte administration sa mga progresibong organisasyon, kinundena

Manila, Philippines – Mariing kinundena ng grupong PISTON ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte ng crackdown sa grupong Bayan na binansagan ng pangulo na “legal fronts” ng CPP-NPA- NDF.

Ayon kay San Mateo maging ang kanilang grupo ay binansagan din umano ng pangulo na komunista at “legal front” ang PISTON matapos na matagumpay umano nilang iparalisa ang biyahe sa NCR noong Oktubre 16.

Paliwanag ni San Mateo ang ganitong uri umano na panggigipit ng Duterte Administration sa kanilang hanay ay tuwirang paniniil upang pagtakpan umano ang mga kabulukan ng kasalukuyang gobyerno.


Naniniwala si San Mateo na ang naturang hakbang ng Duterte Administration ay taktika lamang umano ito upang ilihis ang atensiyon at takutin ang publiko na susuporta sa nakaambang na tigil-pasada ng PISTON.

Giit ni San Mateo hindi sila matitinag sa mga banta ni Pangulong Duterte dahil handa umano siyang magpakulong at mamatay sa sariling bayan kung ito ay itinadhana sa kanya.

Facebook Comments