Kabuuan ng Simbang Gabi, generally peaceful ayon sa PNP

Walang untoward incident na naitala ang Philippine National Police (PNP) sa pagtatapos ng 9 na Simbang Gabi ngayong araw.

Ayon kay PNP PIO Chief PBGen. Jean Fajardo, generally peaceful ang Simbang Gabi sa lahat ng rehiyon sa bansa.

Ani Fajardo, ngayong araw ay nasa halos 40,000 mga pulis ang ipinakalat sa mga stratehikong lugar.


Nakabantay rin ang kapulisan sa mga major transportation hubs, malls, night markets at iba pang establisyemento na patuloy na dinadagsa ng mga tao ngayong Pasko.

Samantala, patuloy na paalala ng Pambansang Pulisya sa publiko na manatiling alerto at vigilante upang hindi mabiktima ng mga kawatan.

Facebook Comments