KABUUANG 10, 263 DOSES NG SINOVAC VACCINE NA NAKALAAN SA PANGASINAN, DUMATING NA

Dumating na sa lalawigan ng Pangasinan ang nasa 10, 263 doses ng bakunang Sinovac na nagmula sa DOH-CHD-I Regional Vaccine Storage Facility-1.

Ipamamahagi naman ang naturang bakuna sa mga district hospitals sa lalawigan na kinabibilangan ng Lingayen District Hospital, Western Pangasinan District Hospital, at Eastern Pangasinan District Hospital. Ayon sa DOH-CHD-1, dalawampu’t apat na Rural Health Units naman sa probinsiya ang makakatanggap ng bakuna.

Samantala, sa pinakahuling datos ng Department of Health – Center for Health Development 1 as of July 4, 2021 nasa 394, 680 doses na ng bakuna ang kabuuang natanggap ng Regional Office CHD-1 simula noong unang araw ng pagdating ng bakuna sa rehiyon.


Sa datos na ito ng Regional Office CHD1, 255, 880 doses ng Sinovac vaccine, 96, 400 naman sa bakunang Astrazeneca, sa Pfizer ay mayroong 35, 100 doses, at 7, 300 doses naman sa Gamaleya o Sputnik V.

Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, ang tagapagsalita ng DOH-CHD1, ay magkakaroon pa ng distribution ng bakuna sa mga probinsiya sa rehiyon sa mga susunod pang mga araw.

Facebook Comments