Bago mag alas tres y medya ngayong hapon, lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang chartered flight ng Air Macau sakay ang Kabuuang 163 stranded at distressed Filipinos mula Macau.
Ang Pinoy repatriates ay sinalubong ng mga tauhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Ayon sa DFA, anim na Pinoy repatriates ang hindi nakasama sa repatriation dahil sa magkakaibang kadahilanan.
Una nang inihayag ng DFA at OWWA, na karamihan sa naturang Pinoy workers ay undocumented at 30 ang OWWA members.
Sila ay sasailalim sa pagsusuri ng health workers sa NAIA at kung meron sa kanilang makikitaan ng sintomas ng COVID-19 ay agad na dadalhin sa medical facility
Una nang naantala ang pag-uwi sa bansa ng Pinoy workers dahil sa banta ng COVID-19.