Kabuuang 175,000 OFWs na naapektuhan ng pandemya, napauwi na sa bansa ayon sa DFA

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na umaabot na sa 175,000 na OFWs ang napauwi ng pamahalaan mula nang pumutok ang COVID-19 pandemic.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay, ito ang pinamalaking repatriation effort na ginawa ng gobyerno ng Pilipinas bunga ng pandemya

Aniya, sa naturang bilang ng repatriates, 61,716 ang sea-based.


Nilinaw naman ni Usec. Dulay na naglabas ng direktiba si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa mga embahada at konsulada ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa na bawal sila magsara kahit may staff o opisyal na magpositibo sa COVID-19

Samantala, kinumpirma rin ni Usec. Dulay na nakapag-comply na sila sa direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte na gumawa ng validation report sa stranded na mga Pilipino.

Facebook Comments