Kabuuang 309 Pinoy, nailikas mula Ukraine

Umaabot na sa 309 na mga Pilipino mula Ukraine ang nailikas na ng pamahalaan mula nang sumiklab ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), 173 sa mga ito ang nakauwi na ng Pilipinas sa pamamagitan ng repatriation efforts ng gobyerno.

Habang 159 naman ang nailikas sa iba’t ibang kalapit na bansa ng Ukraine.


Sa ngayon, mahigit 100 pa ang mga Pinoy na naiwan sa Ukraine at tumatangging sumailalim sa mandatory repatriation ng pamahalaan.

Mas pinili kasi nila na patuloy na makipagsapalaran sa Ukraine kahit na mapanganib na roon.

Facebook Comments