Kabuuang 730,000 Pinoy seafarers, nawalan ng trabaho dahil sa pandemya

Kinumpirma ng Association of Philippine Seafarers Union-Associated Labor Union na 730,000 Filipino seaferers sa buong bansa ang nawalan ng trabaho bunga ng COVID-19 pandemic.

Gayunman, sinabi ni Allan Tanjusay, tagapagsalita ng samahan na sa ngayon ay unti-unti nang nakakabangon ang Pinoy seafarers.

Aniya, malaking bagay ang pagbibigay-prayoridad sa kanila ng gobyerno para maturukan ng bakuna kontra COVID-19.


Kabilang sa nagbibigay ngayon ng slot para sa pagbabakuna sa Pinoy seafarers ang Taguig City kung saan naglaan sila ng vaccination sites para sa mga tripulanteng Pinoy.

Facebook Comments